QC IS PRO-GOOD GOVERNANCE!

Ibinahagi ni Quezon City Administrator Michael Alimurung ang mga innovative at best practices ng lokal na pamahalaan at ang pakinabang ng eGovernance upang maghatid nang mabilis at tapat na serbisyo sa QCitizens, sa idinaos na Sikhay Laban sa Korapsyon (SILAK) 2023 ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay CA Alimurung, ang paggamit ng QC Gov’t sa eGovernance ay epektibo sa pagbuo ng mga data-driven decision, programs, and projects. Layon din nitong mabawasan ang korapsyon at red tape sa mga proseso at transaksyon sa lungsod, at upang makamit ng QC ang pagiging Smart City.

Sa ngayon, 23 ang smart online public systems ang maaaring ma-access ng mga QCitizens tulad ng mga programa at proyekto sa social services, regulatory services, revenue generation, at empowerment ng iba-ibang sektor. 14 dito ang tumatanggap ng e-payments upang mas mapadali ang mga transaksyon sa lokal na pamahalaan.

Bukod kay CA Alimurung, nagsilbing speakers sina United Nations Office on Drugs and Crime Country Director Daniele Marchesi, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs Deputy Director Luke Bruns, at Office of the Ombudsman Deputy Ombudsman for Mindanao Anderson A. Lo.

Nagbahagi rin ng mga innovative practices laban sa korapsyon sina International Development Law Organization Criminal Justice Advisor Dr. Buluma Bwire, Department of Justice ASec. Jose Dominic Clavano IV, Department of the Interior and Local Government ASec. Romeo Benitez, at Department of Information and Communications Technology PMED Chief Alana Ramos, Deputy Ombudsman, Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) Jose M. Balmeo Jr., at Presiding Justice of the Sandiganbayan (ret.) and Special Prosecutor Edilberto G. Sandoval.

#SILAK2023

#UnitedAgainstCorruption

#IACD2023

#UNCA2023

#OmbudsmanPH

+11