Patuloy ang pag-iikot ng QC Engineering Department kasama ang Education Affairs Unit at DepEd Schools Division Office sa mga pampublikong paaralan ng lungsod upang matukoy at kumpirmahin ang mga pangangailangan ng ating mga paaralan.
Isa sa naging prayoridad ay ang pagkakaroon ng maayos na water and sanitation facilities ng mga paaralan, katulad ng handwashing facilities at comfort rooms.
Bukod dito ay nagsagawa din ng rehabilitation ng school buildings, upgrading ng electrical system at drainage system, land development, construction at repair ng covered walkways, covered courts, perimeter fence, school gate, at iba pa.
Higit sa pitumput walong (78) school infrastructure projects ang nakumpleto sa taong 2020 at 2021. Kaya’t patuloy na naglalaan ng pondo ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Local School Board, para sa iba-ibang infrastructure projects ng ating mga paaralan upang masiguro na ang mga mag-aaral ay ligtas at may maayos na kapaligiran sa kanilang pag-babalik sa face-to-face classes.