Sinisiguro ni Mayor Joy Belmonte na nakahanda na ang ating evacuation sites para sa mga pamilyang ililkas na nasa danger zones at landslide prone areas bilang paghahanda sa #RollyPH.

Ang bawat evacuation area ay mayroong child-friendly space, lactating area, at first aid station. Sisiguraduhin din na masusunod ang health protocols at minimum health standards.

Nananawagan ang QC sa mga residente sa danger areas na sumunod sa awtoridad kapag kinakailangan nang lumikas upang walang maitalang casualty sa lungsod.