Ginawaran ng Gawad Kalasag Seal of Excellence ang Quezon City sa isinagawang Gawad Kalasag National Awarding Ceremony ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Manila Hotel ngayong Disyembre 7, 2022.

Nakamit ng Lungsod Quezon ang 2.69 rating sa Gawad Kalasag Seal for Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs) Category dahil sa mahusay na pangangasiwa at pagtugon sa sakuna at kalamidad ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa kabila ng mga hamon ng pandemya.

Idineklarang ‘Beyond Compliant’ ang lungsod dahil mas nahigitan pa ng lokal na pamahalaan ang mga pamantayan sa pagbubuo at pangangasiwa ng LDRRMCOs alinsunod sa R.A. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010.

Ito na ang ikalawang taon na naitala ng Quezon City ang ‘Beyond Compliance’ rating mula nang ipatupad ang mandatory assessment ng LDRRMCOs sa lahat ng local government unit sa buong bansa.

Bago ang taong 2020, nagwagi na rin ang Lungsod Quezon ng 1st Place para sa Best Local Disaster Risk Reduction and Management Council (Highly Urbanized City Category) sa dalawang magkasunod na taon. Kabilang din ang ating lungsod sa nangungunang Government Emergency Response Management (GEM) group sa National Capital Region.