Pormal nang ibinahagi ng Department of Agriculture- Bureau of Animal Industry (DA-BAI), sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government at City Veterinary Department, ang 18 Chest Freezer sa mga vendor sa Mega Q-Mart.
Ang pamamahagi ng chest freezer ay bahagi ng Kadiwa Cold Chain Project ng DA na naglalayong makatulong sa mga vendor at retailer upang masiguro at mapanatiling malinis at ligtas ang kanilang itinitindang karne.









