Tiniyak ng ating Quezon City Health Department (QCHD) na matutugunan ang pangangailangan ng mga evacuees na sumilong sa iba-ibang evacuation centers sa lungsod.

Mayroong nakatalagang medical team na nagsusuri sa kalusugan, nagbibigay ng gamot, at sumusubaybay sa kalagayan ng ating evacuees.

Kasama rin ang nutrition team na siyang tumutugon sa mga alalahanin sa malnutrisyon, seguridad sa pagkain, at sumusuporta sa mga breastfeeding moms.

Nagtalaga rin ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) team na nagbibigay ng counselling at Water Sanitation and Hygiene (WASH) team na umaagapay sa ligtas na inuming tubig, at sanitasyon upang mapanatili ang kalinisan sa bawat evacuation center.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na serbisyo sa ating QCitizens!

May be an image of 9 people, table and text
May be an image of 4 people
May be an image of 4 people
May be an image of 12 people