Maraming salamat sa mga anonymous donor na nagbigay ng tseke na nagkakahalagang P200,000 at P100,000 sa pamahalaang lungsod na mapupunta sa QC Learning Recovery Trust Fund.
Personal na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Michael Alimurung, Education Affairs Unit head Ms. Maricris Veloso, at Schools Division Office Superintendent Ms. Carleen Sedilla ang mga donasyon.
Makatutulong ang mga ito para sa Quezon City Tutoring program na naglalayong matugunan ang learning loss sa pamamagitan ng tutoring services sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.