Ayon sa Memorandum ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong 14 September 2022 na nagbibigay diin sa DILG-DOTC Joint Memorandum Circular No. 01-2008, ang mga local government units ay maaaring mag-issue ng traffic citation tickets o ordinance violation reciepts (OVR), ngunit tanging ang mga tauhan lamang ng Land Transportation Office (LTO) at mga LTO deputized agencies ang maaaring magkumpiska ng Drivers License.
Samakatuwid, ihihinto na ng mga Traffic Enforcers ng Quezon City ang pagkumpiska ng mga lisensya epektibo 24 September 2022.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng Quezon City Council at QC-Transport and Traffic Management Department ang mga Ordinansa at polisiya ng Lungsod na may kinalaman sa pagpapatupad ng batas trapiko, partikular ang pag-issue ng OVRs at pagkumpiska ng mga lisensya. Maglalabas agad ng bagong Ordinansa ang Lungsod bilang tugon sa nasabing Memorandum ng DILG.