QC Countdown to 2025 is plastic-free!
Ipinapaalala sa lahat ng dadalo sa Quezon City New Year’s Celebration sa Quezon Memorial Circle na magdala ng kanilang sariling tumbler o reusable water bottle dahil ang selebrasyon ay isang plastic-free event.
Makikita ang designated drinking fountains sa ilang bahagi ng QMC na maaaring magamit sa pag-refill ng water containers.
Mayroon din recycling at waste segregation bins upang mapanatiling malinis at kaaya-aya ang parke para sa lahat ng nais bumisita.
Kita-kits bukas, December 31 simula 5 p.m. sa QMC grounds!