Nakunan na ng pahayag ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QC Police District (QCPD), sa pangunguna ni CIDU Chief PMAJ Don Don M. Llapitan, ang sampung kaanak ng mga biktima ng nangyaring sunog sa Pleasant View Subdivision sa Brgy. Tandang Sora kung saan 15 ang namatay.
Ito’y matapos makipag-ugnayan ang CIDU sa tanggapan ni Provincial Governor Hon. Eduardo B. Gadiano ng Occidental Mindoro, at Sablayan Municipal Police Station, sa pamumuno ni Chief of Police PLTCOL Allan Montillana, para mapuntahan at makausap ang mga kaanak ng mga biktima ng nasabing sunog.
Nangako naman ang Pamahalaang Lungsod na gagawin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng sunog at masampahan ng kaso ang mga responsable sa insidente.




