Sinimulan na ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council at barangay officials ang preemptive evacuation sa mga lugar na bahain at delikado sa landslide, kabilang na ang:
- Barangay Apolonio Samson
- Barangay Bagong Silangan
- Barangay Doña Imelda
- Barangay Mariblo
- Barangay Roxas
- Barangay Tatalon
Isa-isang binisita ni Mayor Joy Belmonte ang evacuation centers para tiyaking maayos ang tutuluyan ng mga apektadong residente at masusunod pa rin ang minimum health protocols.
Paalala sa lahat ng QCitizens, doble-ingat po tayo sa pagdating ng bagyong #RollyPH.