Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay mayroong natitirang 2,000 doses ng AstraZeneca. Bagamat ito ay limitado pa sa ngayon, ating inilaan ito sa mga senior citizen upang sila ay maumpisahan nang mabakunahan.

Sa tulong ng ating mga barangay, tayo ay nakipag-ugnayan sa senior citizens na naninirahan malapit sa ating vaccination sites upang sila ay mabakunahan ngayong araw.

Kasunod ng ating mga active frontline health workers, mahalagang mabakunahan na rin agad ang ating mga senior citizen. Subalit hindi pa sapat ang ating supply ng AstraZeneca.

Sa ngayon, ang ating pamahalaan ay mayroong supply ng SINOVAC ngunit ito ay hindi inirerekomenda ng Philippine FDA para sa ating mga senior. Ang Sinovac ay ating ilalaan sa iba pang nasa priority list ng DOH.

Manatili pong nakaantabay sa ating Quezon City Government Official Facebook page at website para sa magiging anunsyo sa pagbabakuna ng LAHAT ng senior citizens.

Sa ngayon, may dalawang paraan para kayo ay magrehistro para sa bakuna. Narito ang mga detalye:
How to register for a vaccine