Nagsagawa na ng user training sa mga teacher ang Hidetech Corporation para magamit ang smart board sa mga eskwelahan sa Quezon City. Kabilang sa sumailalim sa pagsasanay ang mga guro mula sa Commonwealth Elementary School at Quirino Elementary School.
Ang smartboard ay gumagamit ng makabagong teknolohiya gaya ng interactive display, iQ embedded computing, at touch screen sa pagtuturo sa klase.
Nakatakda ring magsanay sa paggamit ng smart board ang mga guro ng Placido Elementary School, Toro Hills Elementary School, Diosdado Elementary School, at Rosa Susano Elementary School.