Tatlong pampublikong ospital ang nasa ilalim ng pangangasiwa ng Lungsod Quezon. Kabilang dito ang Novaliches District Hospital na may Level 1 accreditation, habang ang Quezon City General Hospital naman ay may Level 3 accreditation.
Kamakailan lang, nabigyan naman ng Level 2 accreditation ang Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH) na nangangahulugang mas marami nang serbisyong medikal ang maibibigay ng ospital para sa ating QCitizens.
Anu-ano ba ang mga karagdagang serbisyong hatid ng RMBGH hospital? Alamin ang detalye sa ating special report.