For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:
- Helpline 122
- Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498
A fire emergency is any unplanned event that involves fire, threatening life, property, and the environment. It can range from a small, contained fire to a large, uncontrollable blaze. Immediate action is required to prevent injury, loss of life, and significant damage.
HOW TO AVOID FIRE:
- Keep away flammable items or materials from objects that may cause fire.
- Keep flammable liquids like gas, cleaning agents, and other objects that may cause fire outside of the house.
- When using LPG, identify if there’s a gas leak and always ensure that the tank is kept in a well-ventilated place to avoid accumulation of gas vapors.
- Keep away flammable materials like candles, lighters, and matches from areas within reach of children.
- Don’t neglect lit candles when leaving the house.
- Don’t leave the stove when cooking.
- Unplug electronic devices from outlets when not in use.
- Regularly inspect outlets and electric cables at home.
- Don’t smoke inside the house. If it’s not possible, ensure the cigarette isn’t lit before throwing it inside the trash bin.
- Don’t overload electrical outlets and extension cords.
- Organize a fire escape plan and execute it with your families.
WHAT TO DO IN CASE OF FIRE:
- Stay calm and evacuate immediately.
- Sound the fire alarm and call emergency hotlines for assistance.
- If you’re in a building, use the stairs and do not use elevators.
- Before opening doors, check handle first. If hot, do not open as the room may already be on fire.
- If there is smoke, get down low and cover your mouth and nose with damp cloth.
- If your clothes catch fire, STOP running, DROP on the floor, and ROLL to put out the flames.
- If trapped, stay in the room and signal for help using bright-colored cloth at the window or make noise.
- After the fire, do not return inside your house or building unless authorities deemed it safe.
- Have yourself checked for injuries.
Ang fire emergency ay isang hindi inaasahang pangyayari kung saan sangkot ang apoy at may dalang panganib sa buhay, ari-arian, at kalikasan. Maaaring magmula sa maliit na apoy hanggang sa malaking sunog. Kailangan ng agarang aksyon upang maiwasan ang pinsala at pagkawala ng buhay.
PAANO UMIWAS SA APOY:
- Ilayo ang mga bagay o materyales na madaling masunog mula sa lugar na may apoy o posibleng pagmulan ng sunog.
- Itabi sa labas ng bahay ang flammable liquids tulad ng gaas, cleaning agents, at iba pang bagay na maaaring pagmulan ng sunog.
- Kapag gumagamit ng LPG, suriin kung may pagtagas ng gas at laging siguruhin na ang tangke ay nakaimbak sa maaliwalas na lugar upang maiwasan ang pagkaipon ng gas vapors.
- Ilayo ang flammable materials tulad ng kandila, lighters, at posporo sa lugar na madaling maabot ng bata.
- Huwag iwanan ang bahay na may nakasinding kandila.
- Huwag iwanan ang niluluto sa kalan.
- Tanggalin sa saksakan ang electronic appliances kapag hindi ginagamit.
- Regular na suriin ang mga saksakan at kable ng kuryente sa bahay.
- Huwag mag-overload sa mga saksakan at extension cords.
- Huwag manigarilyo sa loob ng bahay. Kung hindi maiiwasan, siguruhing wala nang sindi ang sigarilyo kapag itinapon sa basurahan.
- Magkaroon ng fire escape plan at isagawa ito kasama ang inyong pamilya.
MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY SUNOG:
- Manatiling mahinahon at agad lumikas.
- Patunugin ang fire alarm at tumawag sa emergency hotlines para sa agarang tulong.
- Kung nasa loob ng isang gusali, gumamit ng hagdan sa paglikas. Huwag gumamit ng elevator.
- Bago buksan ang anumang pinto, pakiramdaman muna kung ang hawakan ay mainit. Kung oo, huwag buksan ang pinto dahil maaaring may sunog na sa loob.
- Kapag may makapal na usok, gumapang papunta sa ligtas na lugar. Takpan ang bibig at ilong ng basang tela o damit.
- Kapag nasusunog ang damit, sundin ang “Stop, Drop, and Roll,” tumigil sa pagtakbo, dumapa, at magpagulong-gulong hanggang maapula ang apoy.
- Kapag hindi makalabas, manatili sa loob at humingi ng tulong gamit ang tela na may matingkad na kulay o gumawa ng ingay para marinig ng mga rescuers.
- Pagtapos ng sunog, huwag bumalik sa loob ng bahay o gusali hanggang wala pang abiso mula sa kinauukulan.
- Magpasuri kung nasugatan o nasaktan.
CONTACT INFORMATION:
QUEZON CITY FIRE DISTRICT
odfd.qcfd@gmail.com
8928-8363, 8330-2344
REFERENCE:
QUEZON CITY FIRE DISTRICT
FIRE ASSISTANCE
Last updated on June 25, 2025