For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:

  • Helpline 122
  • 8988-4242 local 8038
  • Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498

Karaniwan ang Leptospirosis tuwing tag-ulan. Ayon sa US Center for Diseases Control and Prevention, ang Leptospirosis ay isang sakit mula sa bakteryang leptospira na nakukuha sa ihi ng mga infected na hayop, katulad ng baka, baboy, aso, kambing at lalo na daga.

Ang mga tubig na kontaminado ng ihi ng mga nasabing hayop gaya ng baha ay pwedeng pumasok sa bahagi ng ating katawan na may sugat o sa mga mucous membrane (mata, ilong, at bibig).

Kung hindi agad magagamot, ito ay maaaring lumala at magdulot ng mga problema sa kalusugan gaya ng problema sa bato o atay, problema sa paghinga, at pagkakaroon ng meningitis. Kung hindi maaagapan, pwede rin itong magdulot ng kamatayan.

PARA MAKAIWAS:

  • Tuwing umuulan, lalo na kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, gumamit ng kapote at bota.
  • Panatiling malinis ang kapaligiran.
  • Kontrolin ang populasyon ng daga o iba pang hayop.

MGA SINTOMAS:

  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Panginginig
  • Pagsusuka
  • Paninilaw ng balat
  • Pamumula ng mata
  • Pagtatae
  • Rashes

Huwag balewalain ang mga sintomas ng Leptospirosis. Agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital.

Para sa ibang detalye o mga katanungan, makipag-ugnayan sa Quezon City Health Department-Epidemiology and Surveillance Division: (landline) 8988-4242 loc 1609, 8703-2759, 8703-4398 (mobile) 0999-229-0751, (email) qcsurveillance@quezoncity.gov.ph, o mag-message sa Facebook account @QCEpidemiologyDiseaseSurveillance.