Mga Dapat Gawin Kapag May Bagyo
For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:
- Helpline 122
- 8988-4242 local 8038
- Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498
Tropical cyclone is an extreme weather condition characterized by large scale circulation of strong winds, low atmospheric pressure and heavy rains. It can cause flooding, storm surge, landslides and flash floods.
BEFORE
- Monitor the news for weather updates, warnings and advisories.
- Know the early warning and evacuation plan of the community.
- Check the integrity of your house and repair weak parts.
- Prepare your family’s GO BAG containing items needed for survival.
- Put livestock and pets in safe area or designated evacuation site for animals.
- When notified, immediately go to the designated evacuation center.
DURING
- Stay calm. Stay indoors and tune in for latest news and weather updates.
- Turn off main electrical switch and water valve.
- Use flashlight or emergency lamp. Be cautious in using candles and gas lamps.
- Stay away from glass windows.
AFTER
- Wait for authorities to declare that it is safe to return home.
- Stay away from fallen trees, damaged structures and power lines.
- Do not go sightseeing as you may hinder the work of the emergency services.
- Be cautious in checking and repairing the damaged parts of your house.
- Check for wet or submerged electrical outlets and appliances before turning on electricity.
- Throw away rainwater in cans, pots, and tires to prevent breeding of mosquitoes.
Ang bagyo ay isang uri ng lagay ng panahon na nagdudulot ng malalakas at mabilis na hangin at pag-ulan na maaaring maging sanhi ng matitinding pagbaha, daluyong ng dagat at pagguho ng mga lupa.
BAGO ANG BAGYO
- Alamin ang balita tungkol sa panahon at mga anunsyong pangkaligtasan.
- Alamin ang plano ng komunidad sa pagbibigay-babala at paglikas.
- Suriin ang bahay at kumpunihin ang mga mahina o sirang bahagi nito.
- Ihanda ang Emergency Go Bag na naglalaman ng first aid at iba pang kagamitan ng pamilya.
- Ilikas ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar.
- Kapag inabisuhan ng barangay o lokal na pamahalaan, mabilis na lumikas sa itinakdang evacuation center.
HABANG BUMA-BAGYO
- Manatiling mahinahon. Manatili sa loob ng bahay o evacuation center at makinig sa pinakabagong balita at taya ng panahon.
- Patayin ang main switch ng kuryente at valve ng tubig, kung kinakailangan.
- Gumamit ng flashlight o emergency lamp. Maging maingat sa paggamit ng kandila o gasera.
- Umiwas sa mga salamin at bintana.
PAGTAPOS NG BAGYO
- Hintayin ang abiso ng kinauukulan kung ligtas nang bumalik sa tahanan.
- Umiwas sa mga natumbang puno, nasirang gusali, at linya ng kuryente.
- Huwag gumala upang hindi maabala ang emergency services.
- Maging maingat sa pagkukumpuni o pag-aayos ng mga nasirang bahagi ng bahay.
- Siguruhing walang basa o nakababad na outlet o kagamitan bago buksan ang linya ng kuryente.
- Itapon ang mga naipong tubig sa lata, paso, at gulong upang hindi pamahayan ng lamok.