For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:

  • Helpline 122
  • 8988-4242 local 8038
  • Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498

A flood is when water overflows onto normally dry land, often due to heavy rain, river overflow, or dam failure, causing damage and risks to people and property.

BEFORE

  1. Stay indoors and continue to listen to weather updates.
  2. Prepare the Emergency Go Bag with food, water, medications, and a first-aid kit.
  3. Create an evacuation plan and identify safe locations where the family can evacuate.

DURING

  1. Stay on higher grounds.
  2. Stay indoors and stay tuned for the latest news and weather updates.
  3. Do not touch electrical equipment if you are wet or standing in floodwater.
  4. Do not go swimming or boating in swollen rivers.
  5. Do not cross streams when the water level is already above the knee.
  6. Do not walk or drive through flooded areas.

AFTER

  1. Do not open the main electrical switch or use appliances and other equipment until inspected by an electrician.
  2. Clean anything that may be contaminated by floodwater.
  3. If evacuated, do not return to your home or flooded areas until authorities declare it safe.

Ang baha ay nangyayari kapag ang tubig ay umaapaw sa karaniwang tuyong lupa, kadalasang dulot ng malakas na ulan, pag-apaw ng ilog, o pagkasira ng dam, na nagdudulot ng pinsala at panganib sa mga tao at ari-arian.

BAGO BUMAHA

  1. Manatili sa loob ng bahay at patuloy na makinig sa ulat ng panahon.
  2. Ihanda ang Emergency Go Bag na naglalaman ng pagkain, tubig, mga gamot, at first-aid kit.
  3. Gumawa ng evacuation plan at alamin ang mga ligtas na lugar kung saan maaaring lumikas ang pamilya.

HABANG MAY BAHA

  1. Manatili sa mas mataas na lugar.
  2. Manatili sa loob ng bahay at patuloy na makinig sa ulat ng panahon.
  3. Huwag hawakan ang mga kagamitang de kuryente kung ikaw ay basa o nakatayo sa tubig baha.
  4. Huwag lumangoy o mamangka sa umaapaw na ilog.
  5. Huwag tumawid ng sapa o ilog kung lagpas tuhod na ang tubig.
  6. Huwag maglakad o magmaneho sa lugar na baha.

PAGTAPOS NG BAHA

  1. Huwag muna buksan ang main switch ng kuryente o gumamit ng appliances at iba pang kagamitan hanggang sa masuri ng isang electrician.
  2. Linisin ang anumang bagay na maaaring kontaminado ng baha.
  3. Kung lumikas, huwag bumalik sa tahanan o sa mga lugar na binaha hanggang hindi ito naideklarang ligtas ng mga awtoridad.