Napuno ang mga vaccination site ng mga makukulay na dekorasyon at mga mascot para sa pagsisimula ng bakunahan sa mga chikiting edad 5- 11. Mistulang children’s party ang tema para maging kumportable at mawala ang takot ng mga bata sa bakuna.
Masaya naman ang mga magulang dahil #QCProtekTODO na rin ang kanilang mga anak. Sa mga parent o guardian na nais mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga anak kontra COVID-19, maaaring magparehistro sa inyong barangay o mag-register o magpa-book ng schedule sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy