Near completion na ang ating Quezon City Animal Pound!
Sa impounding facility ng lungsod pansamantalang dinadala ang mga aso na na-rescue sa daily rescue operations ng Quezon City Veterinary Department.
Dito na rin tinutukoy ang mga rescued animals na ite-train bilang community service dogs, emotional support, o for adoption. Ginagamot na rin dito ang mga hayop na may sakit o sugat.
Kapag lubos na malusog na ang mga hayop, dinadala na sila sa QC Animal Care and Adoption Center para i-train at hanapan ng bagong pamilya.
Tulad ng pagtatatag ng Adoption Center, ang renovation City Pound ay bahagi ng mga hakbang ng lungsod upang maging pet-friendly ang Quezon City.





