QC IS A PROUD CITY!
Malugod na tinanggap ni Quezon City Business Permit and Licensing Department (BPLD) head Marge Santos, kasama ang kanyang pamilya, ang parangal na Honesty, Integrity, and Public Accountability (HIP) Award mula sa Office of the Ombudsman sa naganap na Sikhay Laban sa Korapsyon (SILAK) ngayong araw.
Kinilala ng HIP Award ang dedikasyon at naging kontribusyon ni Ms. Marge upang mapaunlad at gawing digitalize ang mga business transactions ng BPLD na ngayon ay tunay nang napakikinabangan ng mga QCitizens.
Layon ng pag automate n gawing digital ang lahat ng mga transaksyon ng lokal na pamahalaan upang solusyunan ang red tape sa City Hall, mabawasan ang fixers, at mga kaakibat nitong korapsyon.
Pinarangalan din ng Ombudsman ang mga natatanging estudyante, tauhan ng Philippine National Police, security guard, at mga personnel ng local and national government agencies dahil sa kanilang katapatang nagawa.