Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang naganap na 4th quarter meeting ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) sa City Hall.
Tinalakay ng konseho ang mga tugon at ginawa nito ngayong taon tulad ng maagap na responde sa mga nagdaang bagyo, aksidente, emergency situations, at mga sakuna sa lungsod.
Bukod dito, naging matisaway din ang nagdaang State of the Nation Address 2023 at ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa QC sa tulong ng konseho.
Iprinisenta rin ng QCDRRMC ang 2023 Local Disaster Risk Reduction Management Fund utilization na binubuo ng mga program, proyekto, at aktibidad ng mga departmentong bahagi nito.
Inaprubahan din ng council ang pagbuo ng Local Disaster Risk Reduction and Management Plan-Fund Technical Working Group upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga proyekto at programa nito.
Kasunod nito na pinagtibay din ng konseho ang proposed Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Investment Plan at and Quick Response Fund para sa taong 2024.
Present din kasama ng Alkalde sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Administrator Michael Alimurung, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, mga QC department heads, action officers, at mga kinatawan ng mga departamento at opisina na miyembro ng QCDRRMC.