Nakipagtulungan ang Quezon City Government sa Department of Social Welfare and Development-NCR (DSWD-NCR) upang mas palakasin pa ang mga programang pangkabuhayan para sa mga QCitizen.
Ngayong umaga, pumirma sa Memorandum of Agreement sina Mayor Joy Belmonte at DSWD-NCR Regional Director Monina Josefina Ho-Romualdez.
Layon nitong paigtingin ang partnership ng QC at DSWD para sa pagbibigay ng nararapat na suporta at programa sa mga residente, lalo na sa mga kabilang sa vulnerable sector.
Kasama rin sa ceremonial MOA signing sina Social Services Development Department (SSDD) OIC Rowena Macatao at DSWD-NCR Assistant Regional Director for Operations Teresita Valentino.