QCitizens, tayo ang solusyon sa pagpigil at pag-iwas sa panganib dulot ng pabago-bagong klima!
Opisyal nang inilunsad ng Quezon City Government ang kauna-unahang Green Awards na kikilala at magbibigay-parangal sa mga natatanging organisasyon at institusyon na gumagawa ng mga makabuluhang programa para sa kalikasan at disaster risk reduction.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan para masolusyunan ang hamong dulot ng climate change at natural at man-made disasters na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan at susunod na henerasyon.
Nagbigay din ng mensahe si environment and youth advocate Aya Fernandez, na ibinahagi ang kanyang adbokasiya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, barangay, sangguniang kabataan, at business sector.
Ang QC Green Awards ay bukas para sa mga barangay, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at businesses sa lungsod. Ang registration ay magsisimula sa June 1 hanggang July 15, 2023.
Para sa ibang detalye at mechanics tungkol sa Green Awards, bisitahin ang greenawards.quezoncity.gov.ph.