Sa QC, isinusulong ang karapatan ng mga ina kahit pa sa loob ng piitan.
Para mabigyan ng maayos na pasilidad ang mga breastfeeding mothers na Persons Deprived of Liberty, binuksan ng pamunuan ng QC Jail Female Dorm ang Mother-Child Friendly at Child-Friendly facility sa loob mismo ng QCFD. Mayroon ding child-friendly facility para sa mga anak o batang kamag-anak na bibisita sa mga PDLs.
Nanguna sina Mayor Joy Belmonte, JSupt. Maria Ignacia Monteron, Atty. Brenda Canapi ng Commission on Human Rights, Social Services Development Department OIC Rowena Macatao, Dr. Josephine Sabando at Dr. Amelita Guzon ng QC General Hospital, at Gender and Development Council TWG head Janet Oviedo sa ginanap na ribbon cutting ceremony.