Isang pagbati sa pamunuan ng Quezon City Police District sa pagdiriwang ng kanilang ika-84 foundation anniversary!
Nagsilbing panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na selebrasyon sa Camp Karingal ngayong araw, sa pangunguna ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan.
Kasabay nito, pinasinayaan din ang bagong building façade ng QCPD Main Building at kinilala ang mga natatanging police officers ng QCPD na nagpamalas ng kanilang katapangan habang ginagampanan ang tungkulin.
Ibinida rin ng QCPD ang kanilang mga napagtagumpayan sa nakalipas na taon tulad ng 3-minute response time sa anumang emergency at mga makabagong kagamitan.
Pinasalamatan ng alkalde ang pulisya sa pagpapanatili ng peace and order sa lungsod at pagserbisyo ng may integridad para sa QCitizens.




