LIBRO PARA SA PUBLIKO!
Bukas na ang ika-29 branch ng Quezon City Public Library (QCPL) na matatagpuan sa loob ng Barangay Libis Hall!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasinaya sa ika-6 na public library sa District 3.
Kumpleto ang library na ito sa mga librong fiction, periodicals, filipiniana, textbooks, references at circulation books. Mayroon din itong children’s corner na may mga librong pambata.
Present din sa inauguration sina QCPL OIC Mariza Chico, District 3 Action Officer Tommy de Castro, Chief of Staff Rowena Macatao, at mga kawani ng Barangay Libis.