Pagbati sa nagsipagtapos!
175 na QCitizen scholars ng Quezon City Skills and Livelihood Foundation Inc., (QCSLFI) ang nagsipagtapos sa mga kursong Bread and Pastry Production (BPP), Motorcycle/ Small Engine Servicing (MSES), at Service Motorcycle/ Small Engine System ngayong araw.
Tumanggap din sila ng iba-ibang livelihood toolkits upang matulungan ang kanilang pagsisimula ng negosyo.
Ang QCSLFI ay patuloy na nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Layon nitong makapagbigay ng libreng skills enhancement at livelihood programs sa mga residente ng lungsod.
Simula nang maitatag ang programa noong 2009, lagpas 12,000 na ang mga nagsipagtapos dito.
Dumalo sa graduation ceremony sina Mayor Joy Belmonte, TESDA QC District Director Milaflor Liwanag, District 4 Action Officer Al Flores, District Coordinator Lolit Lacsamana bilang kinatawan ni Vice Mayor Gian Sotto, at QCSLFI OIC Valerie Bernardino.