Nagpasiklab ang mga kabataan QCitizen sa mga natutunan nilang combat sports matapos sumailalim sa libreng training sa Muay Thai, Arnis at Stunt Training Workshop sa tulong ng Quezon City Sports Academy at Office of the City Vice Mayor sa Quezon Memorial Circle.
Present sa culminating activity sina Vice Mayor Gian Sotto, District 4 Action Officer Al Flores at ilang mga konsehal sa Sangguniang Panlungsod.