Nag courtesy call kay Mayor Ronnie Dadivas ng Roxas City, Capiz ang relief assistance team ng pamahalaang Lungsod Quezon sa pangunguna ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office bago ang pag turnover ng relief aid mula sa QC.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Mayor Dadivas kay Mayor Joy Belmonte at sa QC LGU sa paghatid ng tulong sa kanyang mga kababayan.

Kinikilala ng QC ang Roxas City bilang isa sa mga sister cities nito kung kaya handang makipagtulungan ang lungsod sa panahon ng pangangailangan.