Dumalo si Quezon City Council Committee on Education Chairperson at District 2 Councilor Aly Medalla bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa Ripples of Impact Forum ng Teach for the Philippines (TFP), Asian Development Bank, at Republic of Korea e-Asia and Knowledge Partnership Fund.

Ibinahagi ni Councilor Aly ang mga programa ng Quezon City Government para matugunan ang mga suliranin na kinaharap ng lungsod noong pahanon ng pandemya tulad ng pamamahagi ng tablets sa mga mag-aaral para sa kanilang distance at blended learning.

Ang TFP ay halos 10 taon nang partner ng Quezon City sa pagsusulong ng mga serbisyo at proyekto sa pagsisiguro ng mataas na kalidad ng edukasyon sa lungsod.