Patuloy ang clean up operation ng QC Task Force on Solid Waste Management sa mga creek at ilog sa lungsod.

Tingnan ang clean up operation na kanilang isinagawa sa San Francisco at San Juan River.

Pinapaalalahan din ang ating QCitizens na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara ng katubigan at magdulot ng pagbaha.

Para sa mga nais mag-request ng clean up operation sa kanilang barangay, maaaring mag email sa [email protected] o magmessage sa kanilang facebook page.