Pinarangalan ng Department of Health (DOH) ang Rosario Maclang Bautista General Hospital bilang 2023 Hospital Star Awardee sa ilalim ng Level 2 Hospitals category. Ito ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng ospital pagdating sa universal health care.
Personal na tinanggap ni Dr. Richard Cabotaje ng RMBGH ang parangal sa ginanap na 2023 DOH Hospital Star awarding ceremony.
Congratulations po sa lahat ng naging bahagi ng parangal na ito.