Nakarating na sa Roxas City, Capiz ang mga tauhan ng QC government sakay ng C-295 aircraft mula sa Philippine Air Force upang maghatid ng relief assistance para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Nagpadala ng tulong sa pamamagitan ng food packs, jerry cans, hygiene kits, at COVID-19 kits ang QC ayon na rin sa direktiba ni Mayor Joy Belmonte bilang suporta sa lokal na pamahalaan ng Roxas City at sa mga lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo.