Upang isulong ang kampanya laban sa karahasan at pang-aabuso sa kababaihan, nagsama-sama ang mga advocate, siklista, at Vespa riders para sa #SafeCity Caravan to End VAW noong Biyernes.
Sa pangunguna ng Angat Bayi Inc., sabay-sabay na bumyahe ang mga kalahok mula Quezon Memorial Circle hanggang Commission on Human Rights.
Katuwang sa caravan ang Quezon City Gender and Development Council, Lunas Collective, Quezon City Vespa Club, UPCWGS, UPCWSFI, Safecity Philippine Chapter, The Commission on Human Rights, Red Dot Foundation Global, UN Women, The Asia Foundation, at Chevrolet Philippines.