Congratulations, QC!
Muling ginawaran ang ating lungsod ng Seal of Good Local Governance Award mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ito ang ikalawang sunod na taon na natanggap natin ang nasabing parangal, sa ikalawang termino ni Mayor Joy.
Ang SGLG ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng DILG sa mga LGU na nagpakita ng best practices sa mga sumusunod na kategorya: financial administration and sustainability; disaster preparedness; social protection and sensitivity; health compliance and responsiveness; sustainable education; business-friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management; tourism, heritage development, culture and arts; at, youth development.
Ang parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon upang patuloy na pagsumikapan ng ating Pamahalaang Lungsod ang pagsusulong ng malinis, tapat, at mahusay na pamamahala para sa bawat QCitizen.