Aabot sa 464 QCitizen solo parents ang nakatanggap ng financial subsidy (sa bisa ng RA 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act) mula sa Quezon City Government.

Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na prayoridad ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng suporta ang mga solo parent na mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamilya.

Ayon pa sa alkalde, iba-ibang programa ang maaari nilang i-avail mula sa lokal na pamahalaan tulad ng livelihood assistance at education assistance para sa kanilang anak.

+19