Upang mas mapaunlad pa ang start up business ecosystem sa Quezon City, muling nagbigay ng tig-isang milyong pisong grant ang lokal na pamahalaan sa limang natatanging start up company sa Cohort 2 ng StartUp QC program.

Sa StartUp QC Cohort 2 Demo Day, bumida ang mga social enterprise, e-commerce, at digital platform startups. Kabilang dito ang Eco-Uling by Project Lily, Forent, Hibla Philippines, Likhaan, at Kippap Learning.

Mismong sina City Administrator Mike Alimurung, QC Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO) Head Jay Gatmaitan, at StartUp QC program head Jong Sumpaico ang nag-abot ng P1 Million check sa mga finalist.

Bago ang demo day, sumailalim muna sila sa coaching and mentoring sessions upang mas mapaunlad ang kanilang business models.

Sa ngayon, patuloy ang pagtanggap ng StartUp QC program ng application para sa susunod na cohort ng professional category at sa student business plan competition. Maaaring mag-submit ng application sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/.

+15