Nakahanda ang buong Quezon City Government at national agencies sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Lunes.
Activated ang Incident Command Post ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) para masiguro ang maayos at ligtas na SONA 2025.
Nakahanda na ang mga medical post, sa tulong ng QC Health Department, Red Cross, at mga barangay.
Naka-standby na rin ang mga pulis sa iba-ibang lugar sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, at paligid ng Batasang Pambansa.
Nakaalalay naman sa mga motorista ang Traffic Management Department (TTMD), kasama ang Metro Manila Development Authority (MMDA).




