Sama-samang sinimulan ng mga QCitizen sa ikaanim na distrito ang kanilang pagdiriwang ng Women’s Month!

Pinaunlakan nina Mayor Joy Belmonte, Tingog Partylist Rep. Yedda Romualdez, at District 6 Rep. Marivic Co-Pilar ang selebrasyon na isinagawa sa Tandang Sora Avenue.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na ang selebrasyon ay bahagi ng pagkilos tungo sa hinahangad na pagkapantay-pantay.

Hinimok din ng alkalde ang mga kalalakihan na maging parte ng solusyon sa gender inequality. Ayon kay Mayor Joy, kakampi, kasangga, at kabalikat sila ng mga kababaihan para sa pagkamit ng pagkapantay-pantay at tuluyan nang matuldukan ang karahasan at pang-aabuso.

Kasama ring nakisaya sa pagdiriwang sina Coun. Kristine Matias, Coun. Ellie Juan, Coun. Vic Bernardo, Coun. Banjo Pilar, Coun. Vito Sotto, Mr. Cocoy Medina at mga barangay chairperson ng District 6.

+14