Suspendido ang pagpapataw ng P2,000 parusa sa mga late declaration at filing ng sworn statement at iba pang transfer documents ng mga ari-arian na nabili mula January 2, 2020 hanggang December 31, 2020.

Alinsunod ito sa Ordinance No. SP-2995, S-2021 na isinulong ni Councilor Jun Ferrer at ipinasa ng ating Sangguniang Panlungsod.