Happy International Day of Education!
Ininspeksyon kanina nina Ms. Maricris Veloso ng QC Education Affairs Unit at Mr. James Lambengco ng Schools Division Office ang mga tablet upang matiyak na maayos ang mga ito bago i-turnover sa mga mag-aaral.
Nakahanda nang maipamahagi ang 50,000 karagdagang tablet para sa mga mag-aaral na Grade 1 hanggang Grade 3 ng 95 pampublikong paaralan sa QC.
Mula pa noong 2020, nakapagpamahagi na ang Pamalahaang Lungsod Quezon ng 309,054 tablets sa mga mag-aaral bilang pag-alalay sa kanilang distance and blended learning.