MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Idaraos sa Sabado, December 2, 2023 ang Maginhawa Arts and Food Festival 2023. Ilang kalsada ang isasara kaya asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Maginhawa Street.
Magpapatupad naman ng traffic re-routing ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) simula 10:00 PM ng Biyernes, December 1, 2023 at tatagal hanggang 12:00 MN Linggo, December 3, 2023.
Road Closure
Isasara ang bahagi ng Maginhawa St. corner Malingap St. hanggang Magiting St., isasara rin ang B Baluyot St. corner Masinsinan St.
Narito ang ipapatupad na traffic rerouting ara sa mga dadaang motorista:
CP Garcia Ave. – Maginhawa St.
Para makarating ng Magingawa St. mula CP Garcia, dumaan sa Magiting St.
Maginhawa St. – Malingap St.
Para naman makarating ng Malingap St. mula Maginhawa St. dumaan sa Magiting St, Matimtiman St., at Mahiyain St. hanggang Kalayaan Avenue.
Maginhawa St. – CP Garcia Ave
Para makarating sa CP Garcia Ave. mula Maginhawa St., kumanan sa B Baluyot St. at kumaliwa sa Masinsinan St.
Two-way Traffic
CP Garcia to Maginhawa St. (via Magiting St.)
Malingap St, to Mapagkawanggawa St, ( via Matimtiman, Mahiyain St.)
Mapagkawanggawa St. to Matimtiman St. ( via Magiting, Mabait, Mahabagin, Maalalahanin St.)
One-way traffic:
B Baluyot St. to CP Garcia ( via Masinsinan St.)
Maginhawa St. to Matimtiman St. ( via Magiting St.)
Para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar, magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS).
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

