MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Tomas Morato Avenue bukas, Sabado, March 23, 2024 simula 2:30 PM hanggang 9:00 PM dahil sa isasagawang Kababaihan Festival Celebration.
Magpapatupad din ng traffic re-routing plans para sa mga motoristang maaapektuhan ng pagsasara ng mga kalsada at may inilaan na parking areas para sa mga lalahok sa pagdiriwang.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.