Bilang paggunita sa National Reading Month, pormal nang ibinahagi ng Quezon City Government ang mga storybook at workbook para sa mga pampublikong paaralan, daycare centers, at libraries.
Ang mga daycare centers ay makakatanggap ng halos 53,000 storybooks.
Ang anim na community learning centers ng lungsod, sa ilalim ng QC Public Library, ay mabibigyan ng 18 Wikahon boxes na naglalaman ng mga babasahin sa Filipino.
20 naman sa mga public elementary school ng QC ay makakatanggap ng 97,000 Storybooks (Grades 1-3),13,500 Handang Magbasa manual para sa mga magulang, at 300 Handang Magbasa manual para sa mga guro. Mamamahagi rin ng reading boxes na may lamang mga libro sa Filipino at English sa 35 paaralan.
Ang mga libro at story book ay malugod na tinanggap nina Schools Division Office Superintendent Carlene Sedilla, Social Services Development Department OIC Eileen Velasco, at QC Public Library OIC Mariza Chico mula kay Mayor Joy Belmonte.




