Bilang bahagi ng Fire Prevention Month, muling namahagi ang lokal na pamahalaan ng mga fire extinguisher sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Tinanggap nina Schools Division Superintendent Ms. Carleen Sedilla ang mga fire extinguisher mula kay Mayor Joy Belmonte, kasama si SDO Disaster Risk Reduction and Management head Mr. Dale Latawan, at QC Non-Teaching Personnel Association President Mr. James Lambengco.
Kaisa rin sa turnover ceremony sina Principals and Supervisors Association (PRINSA) President Dr. Joseph Palisoc, Philippine Elementary School Principals Association (PESPA) President Mr. Julio Villapa, at QC Public School Teachers Association (QCPSTA) President Ms. Erlinda Alfonso at QC Federation of Parent and Teachers Association (QCFPTA) President, Ms. Melanie Ranjo.
Simula pa noong 2023, nakapagbigay na ng 2,440 units ng fire extinguishers ang lungsod upang mapanatili ang kaligtasan ng mga paraalan sa sunog.




