Opisyal nang ipinamahagi ng pamahalaang Lungsod Quezon ang mga titulo ng lupa sa mga residente ng District 5, kahapon sa Novaliches District Center.
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte katuwang si HCDRD Head Ramon Asprer ang paggawad ng mga titulo ng lupa sa mga benepisyaryong taga Tawid Sapa II, Phase I at Phase II ng Barangay Kaligayahan, Sitio Ruby sa Barangay Fairview, Barangay Sto. Niño, at sa Fantasy HOA ng Barangay Novaliches Proper.
Ang serbisyo publikong ito ay hatid ng ‘Direct Sale’ Program na parte ng proyektong Social Housing ng lungsod. Layunin ng programang magkapagbigay sa mga QCitizens ng maayos, abot-kaya, at permanenteng pabahay.