Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod Quezon sa ating mga paaralan! Ngayong araw, iba-ibang kagamitan ang itinurn-over sa Eugenio M. Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School, isang specialized public senior high school na nakatuon sa media arts education. Dito, hinahasa ang mga mag-aaral sa multimedia production, journalism, broadcasting, graphic design, at iba pang larangan ng creative industry.

Sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan, mas mapapalakas hindi lamang ang hands-on training ng mga estudyante kundi pati na rin ang pagtuturo ng mga guro, na maghahanda sa mga mag-aaral para sa mas maraming oportunidad sa creative industry.

Sama-sama tayong lumilikha ng mas maraming pagkakataon para sa mga kabataang QC!

+4