Iba-ibang sustainable programs ang inilunsad ng Quezon City Government para sa kalikasan.
Kabilang dito ang Trash to Cashback, kung saan maaaring ipalit ang recyclable materials sa Environmental Points (EPs) na puwedeng pambili ng grocery o pambayad ng utility bills.
Umabot na sa ₱1.7 milyon ang cashback mula sa mahigit 511,000 kilos ng recyclables at single-use plastics. May 36,201 rehistradong eco warriors na rin na katuwang sa environmental programs ng lungsod.
Sa Fill-A-Bottle (FAB), hinihikayat ang paggamit ng sariling lalagyan sa pagbili ng liquid products para mabawasan ang plastic sachets. Mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod ang paggamit ng single-use plastics (SUPs).
Patuloy na ginagawang bag ang mga nakokolektang tarpaulin. Halos 150,000 kilos na ang nare-repurpose bilang mga bag.
Dumarami rin ang urban farms sa lungsod. 1,439 na ang naitayo, habang 43,170 urban farmers ang nagtatanim at kumikita sa ani nilang gulay.
Para sa iba pang detalye sa Sustainable Programs ng lungsod, maaaring i-scan ang QR code o makipag-ugnayan sa:
Climate Change and Environmental Sustainability Department
• 6th Floor, Civic Center D (BRO building), Quezon City Hall Compound
• 8988-4242 locals 8348 / 8349 / 8359 / 8360
• ClimateChange@quezoncity.gov.ph
• https://www.facebook.com/qc.climatechangedepartment
• https://quezoncity.gov.ph/…/climate-change-and…/
Joy of Urban Farming
• 0919-693-5231
• 0993-895-9743
• urbanfarming.files@gmail.com
• https://www.facebook.com/joyofurbanfarming
Link sa buong post:
https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid02FbbjfKb1BoYYSK5j6tHKtAf1SRmgRgosVfZ5pom9YCHy51f4FU2UCnuy7zctRnBHl

