Good news QCitizens!

Nagsimula nang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Amelioration Program (SAP) ang second tranche payment para sa 168, 872 waitlisted na kwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng GCash.

Nasa 4,000 ang nakatanggap ng ayuda kanina at nasa 67,000 naman ang mabibigyan bukas.

Ang iba pang benepisyaryo ay makakatanggap ng notification mula sa GCash sa mga susunod na araw.

Para sa iba pang waitlisted at maging first batch na hindi pa natatanggap ang kanilang second tranche SAP, patuloy na nakikipagugnayan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa DSWD para sa inyong payment.

Para sa iba pang katanungan, magpadala ng email sa sap@quezoncity.gov.ph.